-- Advertisements --

Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa walong dam sa Luzon dahil sa kakulangan ng ulan sa mga watershed.

Sa huling monitoring ng MWSS, nasa 211.21 metro ang lebel ng tubig sa Angat Dam o mas mababa ng 0.19 metro kumpara sa dating antas nito.

Ang elevation ng tubig ay mas mababa din sa normal nitong taas na 210 metro.

Bumaba ng 0.12 metro ang lebel ng tubig sa Ipo Dam kumpara sa dating antas na 98.05 metro.

Ang lebel naman ng tubig sa Ambuklao Dam sa Benguet ay nasa 751.35 metro, na bumaba ng .03 metro; San Roque Dam sa Pangasinan, .31 metrong mas mababa sa 251.43 metro; at Pantabangan Dam sa Nueva Ecija, .26 metrong mas mababa sa 193.50 metro.

Sa Isabela, ang lebel ng tubig sa Magat Dam ay nasa 185.11 meters o .26 meters na mas mababa kumpara sa dati nitong lebel.

Ang elevation ng tubig sa Caliraya Dam sa Laguna ay nasa 287.18 metro.

Sa La Mesa Dam sa Quezon City, bumaba ng .12 metro ang lebel ng tubig kumpara sa dati nitong elevation na 78.77 metro.

Sinabi ni National Irrigation Administration head Eduardo Guillen na apektado ang mga magsasaka sa Central Luzon ng hindi sapat na supply ng tubig sa irigasyon.