Bumabang muli ang lebel ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.
Ito ay dahil pa rin sa kakulangan ng mga pag-ulan sa mga watershed nito.
Sa naging pagtataya ng State Weather Bureau, as of 6am kaninang umaga ay umabot sa 44 centimeter ang nabawas sa water level ng Angat.
Dahilan ito upang pumalo na lamang sa 191.29 meters ang kabuuang lebel ng tubig nito.
Sa kabila nito ay tiniyak ng State Weather Bureau na nananatiling malayo ang lebel na ito sa minimum operating level na 180 meters.
Sinabi pa ng ahensya na sumampa na sa halos tatlong metro ang nabawas nito mula noong nakaraang linggo.
Samantala, patuloy pa rin ang monitoring ng ahensya sa iba pang dam sa Luzon na hanggang sa ngayon ay nababawasan pa rin ang level ng tubig dahil sa matinding init ng panahon at mataas na demand nito.
Ito ay ang mga sumusunod:
– Ipo Dam
– La Mesa Dan
– Ambuklao Dam
– at San Roque Dam.