-- Advertisements --
Dahil sa nararanasang tag-init at madalang na mga pag-ulan, patuloy na nababawasan ang lebel ng tubig ng ilang Dam sa Luzon.
Kabilang na rito ang Angat Dam Bulacan.
Batay sa datos ng State Weather Bureau, kanilang alas 6 ng umaga ngayong araw , umabot na sa 206.35 meters ang lebel tubig sa Angat Dam.
Ito ay di hamak na mas mababa ng 8 centimeters kung ikukumpara sa 206.43 meters water elevation na naitala kahapon.
Mas mababa rin ito ng isang metro kumpara noong nakaraang linggo.
Samantala, nananatili pa rin ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Bumaba na rin ang antas ng lebel ng tubig sa Ipo Dam,La Mesa, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya Dam.