-- Advertisements --

Bumaba ng dalawang metro ang antas ng tubig sa Angat Dam, sa loob lamang ng mahigit sampung araw, batay sa record ng Hydrology Division ng state weather bureau.

Noong Marso-21, nasa 212.11 meters pa ang lebel ng tubig sa naturang dam, ilang sentimetro na mas mataas kumpara sa normal high water level nito na 212 meters.

Ngayong araw, Abril 2, umaabot na lamang sa 210.12 meters ang laban ng tubig nito.

Ito ay mas mababa ng mahigit dalawang metro sa loob lamang ng 12 araw.

Ang kasalukuyang lebel ay dalawang metrong mas mababa na rin kumpara sa NHWL ng dam.

Kung maalala, nitong nakalipas na 2023 ay labis na naapektuhan ng El Niño o tagtuyot ang naturang dam kaya’t, bagay na naka-apekto sa pagsusuply nito ng tubig sa National Capital Region at maging sa mga sakahan sa Central Luzon.