-- Advertisements --

Nagsimula na namang bumaba muli ang lebel ng tubig sa Angat Dam matapos na hindi umulan kahapon.

Mula sa 161.86 meters na naitala kahapon, bumaba ng 17 centimeters ang water level sa Angat Dam hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga sa 161.69 meters.

Pero sa kabila nito, mataas pa rin ito ng bahagya sa critical level na 160 meters.

Hunyo 20 nang pumalo sa critical level ang water level sa Angat Dam dahil sa kawalan ng pag-ulan.

Maraming kabahayan sa Metro Manila at kalapit na lugar ang apektado rito matapos na magpatupad ang mga water concessionaires ng water service interruptions.