Lumagpas na sa normal high water level (NHWL) ang tubig sa Angat Dam, ayon sa Hydrology Division ng state weather bureau.
Ngayong araw, umabot na sa 214.54 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Tumaas ito ng 35 centimeters mula sa lebel nito kahapon na 213.98 meters. Ang kasalukuyang lebel nito ay mahigit dalawang metrong mas mataas kumpara sa NHWL ng Angat na 212 meters.
Sa mga nakalipas na araw ay tuloy-tuloy ang namonitor na pagtaas ng lebel ng tubig sa naturang dam kung saan batay sa January-13 monitoring ng weather bureau ay umabot na sa 213.98 meters ang lebel ng tubig nito.
Ito ay dahil na rin sa malawakang pag-ilan sa watershed ng naturang dam, daan upang tuloy-tuloy itong umangat sa loob ng ilang araw. Sa kabila nito ay hindi pa rin binubuksan ang gate ng naturang dam.
Ang naturang dam na matatagpuan sa Angat Watershed Forest Reserve sa bayan ng Norzagaray, Bulacan ay ang pangunahing nagsusuply ng tubig sa Metro Manila at iba pang kalapit-probinsya.