Mas mababa sa minimum operating level ng Angat Dam ang lebel ng tubig dito.
Ito ay matapos na bumaba pa ng hanggang 179.68meters ang lebel ng tubig dam sa nakalipas na 24 oras mas mababa ng 0.39 meters mula sa minimum operating level nito na 180 meters.
Bukod dito ay napaulat din na patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa iba pang mga dam sa bansa tulad ng La Mesa Dam na mayroon na lamang 75.13 meters, San Roque Dam na mayroong 226.86 meters, at Caliraya Dam na mayroong 286.26 meters.
Dulot pa rin ito ng kakaunting mga pagpag-ulan na nararanasan sa mga watershed sa naturang mga dam kasabay na rin ng epekto ng El Niño phenomenon.
Samantala sa kabilang banda naman ay nakitaan ng bahagyang pagtaas sa lebel ng tubig ang mga Ipo, Ambuklao, Binga, Pantabangan, at Magat dam.
Gayunpaman ay patuloy pa rin na inabisuhan ng mga kinauukulan ang publiko na magtipid sa pagkonsumo ng tubig.