Muli namang naitala ang pagbaba sa antas ng Tubig sa Angat Dam sa sa nakalipas na 24-oras.
Ito ang kinumpirma ng state weather bureau ngayong araw.
Ayon sa ahensya, ito ay dahil na rin sa kawalang o kakulangan ng mga pag-ulan sa mga watershed ng naturang dam.
Batay sa datos, nabawasan itong muli kaninang alas 6 ng umaga ng aabot sa 30 sentimetrong lebel ng tubig dahilan upang umabot na lamang ito sa 202.78 meters.
Mas mababa na rin ito ng halos dalawang metro sa water elevation ng dam noong nakaraang linggo.
Sa kabila nito ay tiniyak na ahensya na ang kasalukuyang lebel ng tubig sa Angat Dam ay malayo pa sa minimum operating level nito na 180 meters.
Sinabi pa ng ahensya na bumaba na rin ang lebel ng tubig sa karamihan sa mga dam sa Luzon.
Kabilang na rito ang La Mesa Dam, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya Dam.