Nakitaan ng pagtaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam, kasunod ng mga pag-ulang naitala sa watershed nito.
Batay kasi sa report ng Department of Science and Technology(DOST), bahagyang umangat sa 178.08 meters ang lebel ng tubig sa Angat mula sa dating 178.05 meters lamang kahapon.
Gayunpaman, nananatili pa rin itong mas mababa kumpara sa minimum operating level ng ng dam na 180 meters above sea level.
Ang naturang dam ang nagsisilbing pangunahing supplier ng tubig para sa mga water consumer sa National Capital Region(NCR).
Samantala, batay pa rin sa datus ng DOST, nananatiling mababa pa rin ang tubig ng iba pang pangunahing dam sa Luzon.
Ang lebel ng tubig sa Ipo Dam ay nasa 100.62 m lamang habang ang Normal High Water Level(NHWL) nito ay nasa 101.10 m.
Ang La Mesa Dam ay nasa 75.97m, habang ang NHWL nito ay 80.15m.
Nasa 741.81m naman ang lebel ng tubig sa Ambuklao samantalang ang NHWL nito ay 752m.
Maging ang Binga Dam na isa sa pinakamalaking dam sa buong bansa ay mayroon lamang 569.95m na lebel ng tubig habang ang dapat na NHWL nito ay 575m.