-- Advertisements --

Nananatiling mataas ang lebel ng tubig sa Angat Dam, sa kabila ng ilang araw nang tuloy-tuloy na mataas na temperatura sa malaking bahagi ng bansa.

Batay sa record na inilabas ng Hydrology Division ng state weather bureau ngayong araw, March 7, 2025, nananatiling mas mataas ang lebel ng tubig sa naturang dam kumpara sa Normal High Water Level (NHWL) nito.

Ngayong araw kasi ay nasa 212.71 meters ang lebel nito. Ito ay bahagyang bumaba ng halos 20 centimeters kumpara sa 212.90 meters na lebel nito kahapon.

Ang naturang lebel ay mas mataas pa rin ng mahigit 70 centimeters kumpara sa 212 meters na NHWL ng dam.

Ang Angat Dam ang nagsisilbing pinakamalaking supplier ng malinis na tubig sa National Capital Region (NCR) at iba pang mga katabing probinsya.

Ginagamit din ito bilang pang-supply ng tubig sa maraming sakahan sa Central Luzon.

Nitong nakalipas na taon, una nang bumagsak ang lebel ng tubig sa naturang dam kasabay ng malawakang epekto ng El Nino phenomenon na ilang buwan ding naka-apekto sa malaking bahagi ng bansa.