-- Advertisements --

Patuloy na bumababa ang water elevation level sa Angat Dam.

Ayon sa PAGASA kaninang umaga, nasa 179.5 meters na lamang ang lebel ng tubig sa naturang Dam at posibleng bumaba pa sa 173.5 meters sa katapusan ng Mayo.

Sa isang panayam, sinabi ni Adelaida Duran, PAGASA hydrologist, average 0.49 meters ang nababawas na tubig sa Angat Dam kada araw.

Kung susundin ang projection ng National Water and Resources Board, pati na rin kung magpatuloy pa ring bumaba ang water level sa nasabing dam, maaring umabot sa 173.5 meters na lamang ang tubig sa katapusan ng Mayo.

Sa kabila nito, inaasahan nilang makakatulong ang nakikita nilang pag-ulan sa darating na Mayo upang madagdagan kahit kaunti man lang ang water leve sa Angat Dam.

Kahapon, Abril 29, nasa 179.93 meters above sea level ang tubig sa nasabing dam, mas mababa sa 180-meter minimum na requirement.