Sa kabila ng pag-ulan sa mga nakalipas na araw, patuloy pa ring bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Nabatid na 164.92 meters na lamang ang water level sa Angat Dam, na nagsu-supply ng tubig sa 90% ng kabahayan sa Metro Manila.
Mas mataas ng bahagya ang naturang figure sa critical level ng Angat Dam na 160 meters.
Sinabi ni Danilo Flores, senior hydrologist ng Pagasa, na ang mga pag-ulan kamakailan ay mayroon lamang maliit na epekto sa mga dams sa Luzon.
Paliwanag ni Flores, hindi pa naman daw kasi talaga tag-ulan at ang mga dams daw ay nagri-react lamang kapag tuloy-tuloy ang buhos ng ulan.
Dahil dito, sinabi na ng Manila Water na maaring maapektuhan ang kanilang water production.
Ayin sa National Water Resources Board (NWRB), para mapanatili ang water supplu sa Angat Dam sa 46 cubic meters per secon, kinailangan daw nilang buksan ang “low level outlet” kahit magresulta man ito sa mababang kalidad ng tubig dahil ang outlet na ito ay huling ginamit noon pang 2010.