-- Advertisements --

Umangat ng 2.36 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na siyam na araw.

Sa kasalukuyan ay nasa 202.75 meters na ang lebel ng tubig sa naturang dam mula sa dating 200.39 meters noong unang lingo ng Disyembre.

Sa kabila nito ay nananatiling mas mababa ang kasalukuyang lebel ng tubig nito sa Normal High-Water Level (NHWL) ng dam.

Nasa 2012 meters kasi ang NHWL ng naturang dam o halos sampung metrong mas mataas kumpara sa kasalukuyan nitong lebel.

Siyamnapung porsyento ng malinis na tubig na ginagamit ng mga residente sa Metro Manila ay nagmumula sa Angat Dam. Dito rin nanggagaling ang tubig na ginagamit sa mahigit 25,000 ektarya ng mga sakahan sa mga probinsya ng Pampanga at Bulacan.

Kampante naman ang dam management na maaari pang maabot ang NHWL ng dam bago matapos ang 2024, kasabay ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa watershed ng naturang dam.