-- Advertisements --

Tumaas ng ilang sentimetro ang lebel ng tubig sa ilang malalaking dam sa Luzon, kasabay ng mga pag-ulang naranasan.

Kinabibilangan ito ng Angat Dam, Pantabangan Dam, San Roque Dam, Binga Dam, at Ambuklao Dam.

Sa Angat Dam, naitala ang 30 centimeters na pagtaas ng lebel ng tubig at kasalukuyang nasa 202.46 meters.

Umangat din ng 20 centimeters ang lebel ng tubig sa Ambuklao, 30 cms. sa Pantabangan, halos 10 cm. sa San Roque, at 15 cm. sa Binga Dam.

Sa kabila nito, bumaba naman ng ilang sentimetro ang lebel ng tubig sa ilang dam tulad ng Magat, Caliraya, at La Mesa.

Sa kasalukuyan, binabantayan ng mga dam management ang posibleng epekto ng mga pag-ulang dulot ng bagyong Marce sa Luzon.