-- Advertisements --
Lalo pang bumaba ang lebel ng tubig sa mga pangunahing dam sa dito sa ng Luzon.
Sa kasalukuyan, naitala ang pagbaba sa lebel ng tubig ng Angat Dam mula sa dating mahigit 199 meters at bumaba na sa 198.3meters.
Bagaman ito ay malayo pa sa critical level na 160 mters, ang kasalukuyang level ay ilang metro na lamang sa minimum operating level na 180 meters.
Maliban sa Angat Dam, naitala rin ang pagbaba sa lebel ng tubig sa La Mesa Dam. Mahigit sa 100cm ang ibinaba nito mula kahapon kung saan kasalukuyan nang nasa 79.53meters ang lebel ng tubig nito.
Ang dalawang nabanggit na dam ay ang pangunahing nagsusuply ng tubig sa mga consumer ng Metro Manila, kasama na ang iba pang mga rehiyon malapit dito.