Balik-normal na ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City, matapos itong umapaw kahapon dahil sa sunod-sunod na mga pag-ulang dulot ng Habagat.
Ayon sa Hydrology Division ng state weather agency, umabot na lamang sa 80.12 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam mula sa dating 80.20 meters na inabot kahapon, AUg 28, 2024.
Ang spilling level nito ay 80.15 meters.
Inalis na rin ng ahensiya ang babala ukol sa posibilidad ng pagbaha sa mga mababang lugar na maaaring daanan ng tubig mula La Mesa dam, tulad ng Tullahan River, na dadaan sa ilang bahagi ng Quezon City (Fairview, Forest Hills Subdivision, Quirino Highway, Sta. Quiteria, at San Bartolome), Valenzuela, at Malabon.
Sa kabila nito, pinayuhan pa rin ng ahensiya ang mga residente na mag-ingat at bantayan ang sitwasyon dahil sa posibilidad ng mga biglaang pag-ulan .