-- Advertisements --
Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Marikina River sa nakalipas na araw bunsod ng mga pag-ulan dala ng bagyong Aghon sa Metro Manila.
Nitong linggo, tumaas ng 12.3 meters ang antas ng tubig sa Marikina river bagamat nanatili itong pasok sa normal level na 14.9 meters pababa.
Kaya’t hindi na kinailangan pang ilikas ang mga residente na nasa mababang lugar.
Sa datos naman kaninang 8am, bahagyang bumaba ang antas ng tubig sa Marikina River sa 12 meters.
Nakapagtala naman ang city government ng kabuuang 29 millimeters ng ulan mula sa Mount Campana, Boso-boso, Aries at Oro gayundin sa Nangka kahapon.