-- Advertisements --

Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa pinakamalaking dam sa bansa, sa kabila ng tuloy-tuloy na mainit na panahon.

Batay sa report na inilabas ng Hydrology Division ng state weather bureau ngayong araw, April 17, umangat ng 16 centimeters ang antas ng tubig sa San Roque Dam sa probinsya ng Pangasinan.

Mula sa dating 245.99 meters kahapon ay umaabot na ito sa 246.15 meters ngayong araw.

Sa kabila nito, nananatiling mababa ang antas ng tubig nito kumpara sa 280 meters na normal high water level(NHWL).

Ang San Roque Dam ay ang pinakamalaking dam sa buong bansa at isa sa pinakamataas na dam sa buong Asia.

Bahagi nito ay ang 345 MW San Roque Hydroelectric Power Plant na nagsusuply ng electrisidad sa libo-libong mga power consumer sa bansa, lalo na sa Northern Luzon.