-- Advertisements --

COTABATO CITY – Sobrang hirap na ang nararanasan ng halos sampung libong pamilya na apektado ng magdadalawang buwan na malawakang pagbaha sa bayan ng Mother Kabuntalan, Maguindanao.

Matapos ang ilang araw ng sunod-sunod na malakas na pag-ulan, lampas tao na ang tubig ang lebel ng tubig-baha sa nasabing bayan.

Sininailalim na rin sa state of calamity ang bayan ng Mother Kabuntalan.

Sa naging panayam ng Star FM Cotabato kay 1st District of Maguindanao with Cotabato City Representative, Bai Dimple Mastura, sinabi nito na nasa Labing-Pitong mga barangay na ang apektado ng pagbaha sa naturang bayan.

“Dito sa Mather Kabuntalan ay apektado po ng tubig-baha. 17 barangays po lahat ang apektado, kaya po naisipan ko po na personal (ko) po silang puntahan upang malaman ang kanilang kalagayan at may dala po akong relief pack, 200 sacks of rice at mga noodles.” Ani Rep. Mastura.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagbibigay ng relief assistance ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya, dahil ayuda lamang umano ang kanilang inaasahan matapos na masira ang kanilang ekta-ektaryang mga sakahan.