-- Advertisements --

Inaasahan na umano ng coaching staff na medyo kalawangin pa ang muling pagbabalik sa game nina LeBron James at Anthony Davis.

Kahit ilang minuto lamang naglaro ang dalawa ay panalo pa rin ang defending champion laban sa Phoenix Suns, 112-107 sa nagpapatuloy na preseason games ng NBA.

lakers lebron davis LA

Sa unang bahagi ay kapwa ipinasok sina James at Davis pero bago matapos ang first quarter ay inilabas na ang mga ito para magpahinga.

Sa second quarter dito na gumana ang dating LeBron at sa loob ng 15 minutes ay kumamada siya ng 11 points, 2 rebounds at 2 assists.

Si Davis naman na may 18 minutes sa una rin niyang exhibition game ay nagpakita ng 10 points, four rebounds at isang block.

Ang maiksing minuto na paglalaro ng dalawang superstars ng Lakers ay bahagi nang pagpapakondisyon bago ang December 22 opening ng bagong season.

Samantala, nanguna naman sa opensa ng Lakers si Kyle Kuzma na nagtala ng 23 points sa loob ng 32 minutes sa court.