-- Advertisements --
Lakers Lebron NBA

Hinirang bilang team captains sina Los Angeles Lakers superstars LeBron James at Brooklyn Nets forward Kevin Durant sa gaganaping NBA All-Star Game sa susunod na buwan.

Dahil dito sina James at Durant ang personal na pipili na kokompleto mula sa 22 mga All-Stars sa March 4 matapos ang botohan ng mga fans, players at media.

Opisyal na ring inanunsiyo ng NBA ang pagsasagawa ng NBA All-Star sa March 7 sa estado ng Atlanta.

Kung maalala sina LeBron mismo at iba pang stars ang komontra sa pagsasagawa ng All-Stars ngayong panahon ng pandemya.

Samantala, kabilang sa makakasama ni Durant sa Eastern Conference ay ang mga bigatin din na sina NBA reigning MVP Giannis Antetokounmpo ng Bucks at Sixers center Joel Embiid na magiging bahagi ng starting lineup.

Brooklyn Nets Kevin Durant

Pagpipilian din bilang starting guard sina Warriors star Stephen Curry, Mavs guard Luka Doncic at mula sa Blazers na si Damian Lillard.

Sa grupo naman ni LeBron sa sa Western Conference, kabilang sa makakasama niya ay ang dati ring NBA finals MVP at Clippers forward Kawhi Leonard at Denver Nuggets center Nikola Jokic.

Narito ang NBA All-Star Game Starter Pool:

WESTERN

LeBron James, Lakers
Nikola Jokic, Nuggets
Kawhi Leonard, Clippers
Anthony Davis, Lakers
Paul George, Clippers

Backcourt
Stephen Curry, Warriors
Luka Doncic, Mavs
Damian Lillard, Blazers
Donovan Mitchell, Jazz
Devin Booker, Suns

EASTERN

Kevin Durant, Nets
G. Antetokounmpo, Bucks
Joel Embiid, 76ers
Jayson Tatum, Celtics
Jimmy Butler, Heat

Backcourt
Bradley Beal, Wizards
Kyrie Irving, Nets
James Harden, Nets
Zach LaVine, Bulls
Jaylen Brown, Celtics