-- Advertisements --
DGREEN
Draymond Green/ IG post

Matapos makumpirma ang panalo nina Joe Biden at Kamala Harris bilang next president at vice president agad na nangantiyaw si Warriors star Draymond Green.

Sa kantiyang tweeter message ipinaabot niya ang mensahe kay Lakers superstar LeBron James.

Ayon kay Green, sa wakas lahat daw ay makakapunta na rin sa White House.

Kung maalala bago lamang nagkampeon ang Lakers.

Huling nakapunta ang isang NBA champion sa White House ay noong panahon ni Obama nang magkampeon ang Cavaliers at nandoon pa si James.

Pero nang umupo na si Trump noong 2016, naputol na ang naturang tradisyon.

Sumagot naman si LeBron kay Green ng “YO we back up in there my G!!!. I’m taking my tequila and vino too.”

Dahil dito umugong tuloy na dapat ding maimbitahan ang dating mga kampeon na Warriors at Raptors.

Samantala, pormal namang uupo sa puwesto sina Biden at Harris sa Jan. 20, 2021.