Abanse na ang Los Angeles Lakers sa kanilang serye, 2-1, matapos idispatsa sa Game 3 ang Houston Rockets, 112-102, sa best-of-seven series sa Western Conference semifinals.
Muling namayagpag sa Lakers si LeBron James na umiskor ng 36 big points at si Rajon Rondo na tumulong sa fourth-quarter rally.
Nagtala si Rondo ng 21 points at nine assists, pero ang 12 points at five assists ay kanyang nagawa sa fourth quarter.
Para naman kay James ang naturang panalo ay nagbigay din sa kanyang sarili nang panibagong NBA record bilang ika-162 postseason victory.
Ang naturang personal record ay nalampasan niya si dating Lakers guard Derek Fisher na merong 161 record.
Liban sa puntos, kumamada rin si James ng seven rebounds, five assists at four blocks para sa kanyang all-around game.
Hindi rin naman nagpahuli para sa Lakers sina Anthony Davis na nagpakita ng 26 points at si Kyle Kuzma na nagdagdag ng 14.
Sa kampo ng Rockets nabaliwala ang 33 na naiposte ni James Harden at si Russell Westbrook na nagtapos sa 30.
Bago ito, naging dikitan ang laro ng dalawang magkaribal na teams na umabot pa sa 16 ang palitan ng kalamangan at nasa 15 beses pa na nagtabla.
Gayunman sa huling bahagi ng game, dito na namayani ang Lakers.
Nagawang makontrol ng LA ang final period tulad ng ginawa nila sa Game 2.
Kung maalala nabitawan ng Lakers ang kanilang 21-point lead sa Game 2 at nakadikit na lamang sila sa fourth quarter pero huli na ang lahat para matikman nila ang 117-109 loss.
Aminado naman si Houston coach Mike D’Antoni na marami silang sablay kaya sa next game na lamang sila babawi.
“They hit a lot of good hard shots,” ani D’Antoni. Tonight they got us.”
Ang Game 4 ay gagawin sa Biyernes.