Balik na sa kanyang game ang NBA superstar na si LeBron James makalipas ang pinakamatagal na lay-off sa kanyang career dahil sa pagpapagaling sa injury sa kanyang kanang paa.
Umabot din sa 20 games na hindi nakalaro si James pero sa game kanina buwena mano na nakatikim siya ng pagkatalo nang masilat ang Los Angeles Lakers ng Sacramento Kings, 110-106.
Nalagay pa si LeBron sa matinding pressure nang 2.7 seconds ang nalalabi sa game nang mabigo siyang maipasok ang 3-pointer.
Nadungisan tuloy ang solid game ni LeBron dahil panalo sana ang Lakers kung naipasok niya ang huling tira.
Nagtala si LeBron sa kanyang all-around game ng 16 points, 8 rebounds, 7 assists, 2 steals at 5 turnovers sa loob ng 32 minuto na paglalaro.
Para kay James, maganda pa rin itong panimula lalo na at mahigit din sa isang buwan bago siya muling nakabalik ng court.
“But I came out unscathed and pretty good,” ani James. “So it’s a good start.”
Siyam na games na lamang ang nalalabi para sa defending champion at nasa No. 5 sila sa Western Conference bago magsimula ang NBA playoffs.
Ang nanalong Sacramento Kings ay laglag na at hindi na kayang makahabol pa sa playoffs dahil sa 26 pa lamang ang kanilang panalo.
Sa ngayon umani na ng ikalimang talo ang Lakers (36-27) sa huli nilang anim na mga laro.
Si Anthony Davis ay nanguna gamit ang 22 points at 11 rebounds.
Habang ang Kings naman, angat sa kanyang laro si Tyrese Haliburton na may 23 points at 10 assists.