-- Advertisements --

CLEVELAND – Nakabangon din mula sa tatlong sunod-sunod na talo ang NBA defending champions na Cleveland Cavaliers nang makabawi kontra sa Philadelphia 76ers, 122-105.

Nanguna muli sina LeBron James na may 34 points at si Kyrie Irving na nagtala naman ng 24 upang samantalahin ang kahinaan ng Sixers na kulang sa players dahil sa injury.

Tumulong naman si Kevin Love sa kanyang 18 points at 10 rebounds para sa ika-siyam na sunod na panalo ng Cavs sa Sixers.

Nitong buwan lamang ng Marso (petsa 31 ngayon sa US) dumanas ng kamalasan ang Cavs sa kanilang nakakadismayang 7-10 record.

Naging dahilan ito upang malampasan sila sa top spot ng Boston Celtics sa Western Conference.

Para kay Cavs (48-27) coach Tyronn Lue, dapat daw isantabi na ng mga players ang mahinang  performance at maglaro na lamang ng maayos at “mag-move on.”

Samantala sa kampo ng Sixers, siyam na players lamang ang naglaro.

Nanguna sa koponan sina Richaun Holmes at rookie Timothe Luwawu-Cabarrot na merong tig-19 na puntos para sa 28-48 record ng Philadelphia ngayong season.