-- Advertisements --
Nakatikim ng talo ang Cleveland Cavaliers matapos na masilat ng Milwaukee Bucks, 116-119.
Nasayang lamang ang 39 big points ni LeBron James matapos hindi umubra sa grupo ni Giannis Antetokounmpo.
Nagawa ring rendahan ng Bucks (16-13) ang pamamayagpag ng Cleveland na meron ng 23-9 record.
Nanguna sa Bucks na may 27 points si Antetokounmpo para wakasan ng team ang limang sunod-sunod na pagkatalo.
Ayon naman kay Antetokounmpo, unti-unti na umanong nawawala ang kalawang ng kanilang team at nagpapakita raw ito ng “maturity.”
Nag-ambag naman sa kampanya ng Bucks si Eric Bledsoe na nagbuslo ng 26 points at si Malcolm Brogdon ay nagtapos sa 16 points.
Next game ng Cavaliers ay sa kanilang teritoryo at haharapin nila ang Chicago Bulls sa Biyernes.