Kabilang si Los Angeles Lakers star LeBron James sa mga nagpaabot nang pasasalamat at pagbibigay pugay sa mga doktor at nurses na nasa frontlines sa paglaban sa coronavirus.
Ipinaabot ni LeBron ang mensahe ng suporta sa pamamagitan nang pag-record ng thank you messages partikular na para sa UCLA medical staff na nasa Los Angeles County.
Ang naturang lugar ay nakapagtala na rin ng 660 confirmed cases ng COVID-19.
“The James Gang family here thanks you guys, and hopefully we can get back on our feet, and we can get back to our everyday lives very soon,” bahagi nang pahayaga ni James. “Like I said, do not think for one second that you guys are not recognized, that you guys are going unnoticed. The time and commitment you guys are putting in is truly commendable and remarkable.”
Ang iba pang mga bigating atleta sa iba’t ibang dako ng mundo tulad nina Pete Alonso, Zlatan Ibrahimovic sa football at Stephen Curry ay nakisama rin sa pagbibigay nang pasasalamat at donasyon para sa kapakanan ng mga medical professionals sa panahon ng international health crisis.
Si Ibrahimovic, na naglalaro sa A.C. Milan sa Serie A matapos maging bahagi ng LA Galaxy sa MLS, ay nagsimula na ring mag-fundraising campaigns.
Sa loob ng anim na araw, ang kanyang fundraising totals ay mahigit na sa $300,000.
Una rito si UFC superstar Conor McGregor ay nangako na bibili ng 1 million euros worth of protective gear para sa hospitals sa Ireland.