-- Advertisements --
LeBron James (from Wiki)

DENVER – Bumawi sa kanyang pagbabalik sa Denver Nuggets si Wilson Chandler na nagtala ng 18 points para pangunahan na idispatsa ang NBA defending champions Cleveland Cavaliers, 126-113.

Naging daan din si Chandler sa epektibong pagbabantay sa NBA MVP na si LeBron James na nalimitan lamang sa 18 points.

Bago ang laro laban sa Cavs (46-24), dalawang beses na nakaranas ng talo ang Denver kung saan ang pinakahuli ay kontra sa Houston.

Malaking tulong din sa panalo ng Nuggets (34-37) sina Will Barton na may 20 points, Kenneth Faried na nagdagdag ng 17 at si Jamal Murray ay merong 15 mula sa bench.

Hindi rin nagpahuli sina Gary Harris na may 21 points at naibuslo naman ang 16 na puntos ni Nikola Jokic.

Sa panig ng Cleveland kumamada si Kyrie Irving ng 33 points pero pinagpahinga na lamang sila ng coach sa fourth quarter kasama si James habang hirap ng makahabol pa nag koponan.