CLEVELAND – Bumangon sa pagkatalo ang Cleveland Cavaliers sa pagbabalik ni LeBron James matapos idispatsa ang Milwaukee Bucks, 102-95.
Una nang tumikim ng talo sa Bulls nitong nakalipas na Linggo ang Cavs dahil sa hindi paglalaro ni LeBron bunsod sa dinaramdam sa kanyang lalamunan.
Hindi man umano 100 percent sa kondisyon si LeBron, nakagawa pa rin ito ng maagang dunk at sa fourth quarter hanggang sa nakatipon ng 25 points.
Malaking tumulong din sa panalo ng Cavs si Kyrie Irving na nagbuslo ng 25.
Sa panig naman ng Bucks (26-32) si Malcolm Brogdon ay nagpakita ng 20 points pero minalas si All-Star Giannis Antetokounmpo na meron lamang nine points.
Bago ang laro ay pumirma na sa Cavs (41-17) ang three-time All-Star
na si Deron Williams dahil sa trade.
Ikatlo si Williams sa bagong kinuha ng defending champion kung saan unang nadagdag din sa kanila si Kyle Korver at Derrick Williams.
Sa laro kanina may kabuuang pinagsamang 27 points sina Korver at Derrick.