Muling tatayo bilang magkaribal na team captains sina LeBron James at Giannis Antetokounmpo sa magaganap na NBA All-Star 2020 sa susunod na buwan.
Si James ng Los Angeles Lakers ay magsisilbing captain ng Western Conference sa ikalawang sunod na season habang si Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks at reigning Kia MVP ang tatayo namang captain sa Eastern Conference team sa second straight year.
Dahil sa ang top vote-getters ay sina LeBron at Giannis, sila na rin ang pipili sa mga pupuno sa iba pang mga miyembro sa Feb. 16 showcase game na gaganapin sa Chicago’s United Center.
Agaw pansin naman ang bagong mukha sa mga starters ay ang Dallas star na si Luka Doncic na makakasama si James Harden ng Rockets bilang mga backcourt.
Sa kabilang dako ang Clippers forward at reigning Finals MVP Kawhi Leonard at Lakers forward Anthony Davis ay kaabang abang din ang pagsasama sa frontcourt.
Narito ang listahan ng mga starters:
Eastern Conference
(G) Kemba Walker, Celtics
(G) Trae Young, Hawks
(F) Giannis Antetokounmpo, Bucks
(F) Pascal Siakam, Raptors
(F) Joel Embiid, 76ers
Western Conference
(G) Luka Doncic, Mavericks
(G) James Harden, Rockets
(F) LeBron James, Lakers
(F) Anthony Davis, Lakers
(F) Kawhi Leonard, Clippers
Samantala ang pagkahirang muli kay James ay kanyang sunod na 16th All-Star selection.
Batay sa league history siya ang nasa pangatlo na pinakamarami kung saan si Kareem Abdul-Jabbar ang nangunguna (19) na sinunsundan naman ni Kobe Bryant (18).
Basi rin sa datos si LeBron na three-time All-Star Game MVP ay hawak ang record na most points sa All-Star Game history na umaabot na sa 362.
Sa kabilang dako ang mga mas nakakabata na starters na sina Doncic, 20, at Young, 21, ay pangalawa ngayon na ang NBA All-Star Game ay kasama ang 21-anyos at pababa na unang nangyari noong 1998 All-Star Game na bumandera sina Kobe Bryant (19) at Kevin Garnett (21).