Muli na namang aasahan daw na si LeBron James pa rin ang kikilalaning highest-paid NBA player sa kasaysayan ngayong bagong season.
Una nang inanunsiyo ng Forbes magazine na si LeBron pa rin ang kinikilalang nangunguna sa mga highest-paid NBA players sa ikasiyam na sunod-sunod na taon.
Lumalabas na nasa $30 million ang kanyang agwat sa mga sumusunod sa kanya na pinakamayamang atleta.
Ngayong NBA season kikita umano si James ng tinatayang $44 million mula sa Los Angeles Lakers sa pagtatapos ng kanyang dalawang taon na kontrata na nagkakahalaga ng kabuuang $85.6 million deal.
Una na siyang pumirma ng two-year, $97 million extension na magtatali sa kanya na manatili sa Lakers ng hanggang 2024-2025 season.
Batay pa sa estimate ng Forbes kikita raw ngayong taon si LeBron ng kabuuang $124.5 million.
Sinasabing mababa pa rin daw ito dahil merong mga investment siya na hindi isinasapubliko.
Kabilang sa mga negosyon ng dating NBA MVP ay ang kanyang SpringHill Entertainment company na nagkakahalaga ng $725 million noong nakaraang taon.
Meron din siyang iba pang big investments, kabilang ang Major League Pickleball team, sports nutrition company Ladder, Canyon Bicycles at iba pa.
Si LeBron ay minority owner din ng Boston Red Sox at Liverpool Football Club.
Samantala ang pumapangalawa umano sa pinakamayang NBA player ngayon ay si Golden State Warriors star Stephen Curry, pangatlo si Brooklyn Nets star Kevin Durant, si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo nasa pang-apat, at Lakers veteran Russell Westbrook nasa pang-lima, at ang bumubuo pa sa Top 10 ay sina Klay Thompson, Damian Lillard, James Harden, Paul George at Jimmy Butler.