-- Advertisements --
Walang balak si Los Angeles Lakers star LeBron James na magsuot ng social justice messages sa likod ng kaniyang jersey kapag nagsimula ng bumalik ang mga laro sa NBA.
Sinabi nito na hindi siya kontra sa nasabing hakbang at nirerespeto pa nito ang mga mga magsusuot nito.
Hindi aniya siya kumportable sa nasabing paglalagay ng nasabing social justice messages.
Ang nasabing hakbang ay bilang pagkilala ng NBA sa malawakang panawagan pagbasura ng racial discrimination at ang pagkasawi ng black American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.