-- Advertisements --
Itinuturing ni Los Angeles Lakers star LeBron James na isang larong chess ang NBA Finals nila ng Miami Heat.
Ito ay dahil sa hindi pa rin mabasa ng maraming manlalaro ang nilalaman ng utak at diskarte na ipapatupad ni Heat coach Erik Spoelstra.
Sinabi nito na gaya ng isang chess ay may mga matinding estratihiya na dapat ipatupad para matapatan o mahigitan ang kalaban.
Ilan sa mga tinukoy na ito ay ang gagawing recalibration ng Heat.
Magugunitang isang panalo na lamang ang kailangan (3-1) ng Lakers para tuluyang makuha ang kampeonato makalipas ang isang dekada.