-- Advertisements --
NBA 4

Nakisama rin ang ilang mga NBA superstar sa selebrasyon at paggunita ng kanilang tinaguriang Black Liberation o “Juneteenth” sa Estados Unidos.

Liban sa basketball players, marami ring mga atleta, teams at professional leagues ang samang-samang nagpaabot ng kanilang saloobin sa kahalagahan ng Emancipation Proclamation noon pang taong 1865 kung saan pormal na nakawala ang mga African Americans sa pagkaalipin.

Nagtanong si Los Angeles Lakers star LeBron James kung bakit ang araw na ito ay hindi isang national holiday sa Amerika.

Kasabay nito, nanawagan siya sa kanyang mga fans na manatiling mapagbantay.

Ang Miami Heat forward na si Jae Crowder at Justice Winslow ng Grizzlies ay nagpaabot din nang kanilang pagbubunyi sa okasyon ngayong araw.

NBA 1

Hindi rin nagpahuli si NBA Hall of Famer Bill Russell sa selebrasyon, pero giit niya na dapat maintindihan ng mga tao kung ano talaga ang kahalagahan ng araw na ito.

Sinabi pa niya, tuloy pa rin ang laban nila na mga Black Americans.

Ang may-ari naman ng Los Angeles Lakers na si Jeannie Buss ay hindi nakatiis na isapubliko ang racist attack sa kanila na White Americans mula sa social media na tinawag siyang “prostitute.”

Agad naman siyang ipinagtanggol ni LeBron.

Ang Juneteenth na tinatawag ay kumbinasyon ng “June” at “nineteenth.”

Ito ay bilang pagkilala sa ginawang anunsiyo ni Union General Gordon Granger sa pagtungo sa Galveston, Texas noong June 19, 1865 na tapos na ang Civil War at pang-aalipin batay na rin sa deklarasyon ni US President Abraham Lincoln na Emancipation Proclamation.

NBA 5
NBA 3