-- Advertisements --
Danny Green
Danny Green

Naniniwala si Danny Green na ilan sa kanilang mga beteranong players sa Los Angeles Lakers kasama na si LeBron James ang hindi pa makakalarao sa muling pagbubukas ng 2020-2021 NBA season sa December 22, 2020.

Kung maalala ang Lakers ay bago lamang nagkampeon sa NBA Finals laban sa Miami.

Paliwanag ni Green, masyado pa raw kasing maaga ang restart samantalang katatapos lamang ng 2019-2020 season nitong buwan ng Oktubre.

Para kay Green, 33, baka abutin muna ng isang buwan pa mula sa pagsisimula ng games bago maging ready na sina James.

Ito rin naman ang pananaw ng Lakers din na si Jared Dudley, 35, na nagbiro pa na ‘wag na lang maiyak ang mga fans kung wala munang mga NBA stars na maglalaro.

Sa ngayon si James, na mag-36-anyos na sa Dec. 30, ay wala pa ring komentaryo sa mga balakin na pagbabalik muli ng liga.