Umani nang pagkadismaya ang desisyon ng NBA na pansamantalang munang isuspinde ang natitirang mga laro ngayong season sa gitna na rin ng paglaganap lalo ng coronavirus pandemic.
Idinaan ni Lakers star LeBron James ang reaksiyon sa kanyang Twitter account sa pagsasabing ang “dapat kanselahin ay ang taong 2020.”
Hindi naitago ni Jameas ang hirap na kanilang dinanas sa nakaraang tatlong buwan bilang unang team na makapasok sa playoffs sa Western Conference.
Kasabay nito, ipinaabot din ng NBA’s assist leader ang pagdarasal na sana maging ligtas ang lahat.
“Man we cancelling sporting events, school, office work, etc etc. What we really need to cancel is 2020! Damn it’s been a rough 3 months. God bless and stay safe,” pahayag pa ni LeBron.
Ang may-ari ng Mavs na si Mark Cuban ay nalaman ang suspension ng NBA season noong kasagsagan ng laro ng Mavericks.
Sa una ay sa akala niya ay hindi ito mangyayari.
Pero sa huli ay sumang-ayon ito sa masaklap na desisyon dahil para naman ito sa kabutihan ng lahat dahil nakasalalay dito ang buhay.
“This is people’s lives at stakes. This isn’t about basketball, this isn’t about the Maverick,” wika pa ni Cuban. “This is a pandemic, a global pandemic where people’s lives are at stake.”
Kabilang sa biglang pinatigil ang laro sana ngayong araw sa pagitan ng Utah Jazz at Oklahoma City Thunder.
Ito ay makaraang magpositibo umano sa COVID-19 ang NBA star na si Utah Jazz center and All-Star Rudy Gobert ng Jazz
“The test result was reported shortly prior to the tip-off of tonight’s game between the Jazz and Oklahoma City Thunder at Chesapeake Energy Arena,” ayon pa sa liga. “At that time, tonight’s game was canceled. The affected player (Gobert) was not in the arena.”
Dahil dito maging ang mga players ng dalawang team ay isasailaim na rin sa quarantine.