-- Advertisements --

Muling nangibabaw ang pagiging beterano ni LeBron James nang isalba niya ang Los Angeles Lakers sa pamamagitan ng 3-pointer sa huling sandali ng regulation at sirain din ang diskarte ng Oklahom City Thunder sa overtime upang makalusot, 114-113.

Ito na ang ikaanim na sunod na panalo ng Lakers para sa kanilang 20-6 win-loss record.

Habang ang Thunder ay nasadlak sa 10-14 kartada.

Nagtala si James ng 25 points, seven assists at six rebounds kung saan ito na ang ikatlong beses na magkakasundo na overtime games na nakaalpas ang defending NBA champions.

Ang panalo ngayon ng Lakers ay sa kabila na hindi paglalaro nina Anthony Davis bunsod ng Achilles issue at ang key reserve na si Alex Caruso ay dahil naman sa injury sa kamay.

Buti na lamang nag-pick up sa kanilang diskarte sina Montrezl Harrell na nagbuslo ng 20 points at si Dennis Schröder ay nagpakitang gilas sa 19 points at seven rebounds.

Sa panig naman Thunder na kulang din sa players ay nasayang ang ginawa ni Al Horford na may 25 points at si Kenrich Williams na nagtapos sa career-high na 24.

Sa Sabado haharapin ng Thunder ang Nuggets.

Ang Lakers naman ay host sa Grizzlies.