Hindi nababahala si basketball star LeBron James sa naging desisyon ni US President Donald Trump na ititigil na niya ang panonood ng mga laro sa NBA.
Kasunod ito ng pagkadismaya ng US President sa tila pambabastos umano ng mga manlalaro ng NBA sa kanilang national anthem na lumuhod imbes na tumayo.
Sinabi ng Los Angeles Lakers star, na hindi malulungkot ang basketball community sa desisyong ito ni Trump.
Hindi lamang siya aniya kawalan dahil ilang milyon ang kanilang fans sa buong mundo.
Nais lamang kasi aniya ipabatid ng mga manlalaro na hindi lamang paglalaro ng kanilang layunin at sa halip ay nais nilang ipakita na alam nila ang tama sa mali.
Magugunitang maraming mga NBA players ang lumuhod sa pagsisimula muli ng mga laro sa NBA bilang protesta sa nagaganap na racial discrimination.
Ganon din ang pagkadismaya nila sa naganap na pagkasawi ng black American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.