-- Advertisements --

Hindi sang-ayon si NBA star LeBron James na magsagawa ng All-Star game ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ng Los Angeles star, na isang sampal sa mga manlalaro ang nasabing pagkakaroon ng All-Star game.

Dagdag pa nito na sakaling ito ay mapili ay maaring pumunta siya pero hindi ang kaniyang pag-iisip.

Magugunitang unang kinansela ngayong taon ang All-Star Game subalit dahil sa ginawang pag-uusap ng NBA at ang grupo ng mga manlalaro ay nagdesisyon sila na gawin ito sa Atlanta, Georgia sa Marso 7.

Nauna ng umano ng batikos ang NBA dahil sa pagpilit na pagsagawa ng All-Star game para umano mabawi ang pagkawala ng kita ng liga dahil sa coronavirus pandemic.