-- Advertisements --

Inaalat ang shooting ni Lebron James sa kanilang laro laban sa kanyang dating koponan na Miami Heat.

Naging limitado lang ang scoring ng Lakers superstar na si Lebron na nakapagtala lamang ng 12 points sa 6 of 18 fieldgoals at walang naitalang 3 points sa labing-anim na bitaw.

Double-double performance naman ang ibinuhos ni Anthony Davis na may 29 points 8 boards at 5 blocks habang 24 points si Austin Reaves pero hindi ito sapat para malamangan ang Heat.

Walong players naman ang nakapagtala ng double figures sa panig ng Heat na pinangunahan ng ng 21 points ni Tyler Herro para pataubin si Lebron at ang Lakers.

Magkasunod na tatlong talo na ang lakers kung saan may kartadang 17 na panalo at may 18 na talo habang 20 naman na panalo sa Heat at mayroon lamang 14 na pagkatalo.