Inanunsyo ni Lebron James na maglalaro pa siya ng isang karagdagang taon, sa Los Angeles Lakers.

Ginawa ng NBA star ang nasabing pahayag, matapos nitong tanggapin ang record-breaking performance award dahil sa pagiging leading scorer sa buong kasaysayan ng National Basketball Association.

Maalalang una na nitong sinabi na pinag-iisipan ang pagreretiro mula sa basketball, bago matapos ang nakaraang season.

Ayon kay Lebron, tinatanong niya ang kanyang sarili kung kakayanin pa niyang ipagpatuloy ang paglalaro ng basketball at kung mayroon pa itong mai-aambag sa larangan ng sports.

Napagtanto umano niya na kaya pa niyang maglaro

Si Lebron ay kinikilalang hari ng NBA, dahil sa kanyang performance, simula makapasok ito sa liga. Sa kasalukuyan ay hawak nito ang pinakamaraming puntos sa buong NBA, na may 38,652 points.

Hawak din nito ang apat na championship trophy, ilang NBA Finals MVP at Season MVP.