-- Advertisements --
Nagpakita ng interest si NBA superstar LeBron James na muling maglaro sa 2024 Paris Olympics.
Ang 38-anyos na si James ay dalawang beses ng sumali sa Olympics ng Team USA una ay noong 2008 sa Beijing at pangalawa ay sa 2012 London na kapwa nag-gold medal habang sa Athens noong 2004 ay naka-bronze lamang sila.
Hindi naman ito nakasama sa 2016 Rio de Janeiro at Tokyo Olympics noong 2021.
Bukod pa kay James ay may ilang NBA stars naman ang nagpakita ng interest at sila ay sina Stephen Curry, Kevin Durant, Anthony Davis, Jayson Tatum at Draymond Green.
Target kasi ng USA Basketball team na maglagay ng mga malalakas na manlalaro matapos ang pagiging pang-apat na puwesto sa katatapos na 2023 FIBA World Cup.