-- Advertisements --
Itinuturing ngayon bilang highest paid NBA players si LeBron James.
Ito ay matapos na pumayag siya ng dalawang taon na extension ng kaniyang kontrata sa Los Angeles Lakers.
Nagkakahalaga ng $97.1 milyon ang nasabing contract extension ni James sa Lakers.
Dahil dito ay mayroon na ang 37-anyos na garantisadong $532-M na career earnings.
Nahigitan na nito si Brooklyn Nets star Kevin Durant na highest paid player sa kasaysayan ng NBA.