-- Advertisements --
Maaring aabot sa isa hanggang dalawang linggo na hindi makakapaglaro si Los Angeles Lakers star LeBron James dahil sa groin strain injury.
Natamo nito ang injury sa last quarter ng pagkatalo nila sa Boston Celtics nitong araw ng Linggo.
Nakatakda ring sumailalim ang 40-anyos na si James sa evaluation sa loob ng 24-oras.
Sa nasabing laro ay nagtala lamang siya ng 22 point, 14 rebounds at siyam na assists.