-- Advertisements --
Posibleng matagalan pa bago tuluyang makapaglaro si Los Angeles Lakers star LeBron James.
Sinabi ng Lakers coach Frank Vogel na nagkaroon ng pamamaga sa kaliwang tuhod ni James.
Dagdag pa nito na hanggang nandoon ang pamamaga ay patuloy pa rin itong hindi makakapaglaro.
Ang 37-anyos na si James ay hindi na nakasama sa tatlong games ng Lakers.
Mayroon itong average na 29.1 points, 7.7 rebounds at 6.3 assists kada laro ngayong season.