-- Advertisements --

Itinuturing ngayon si Los Angeles Lakers star LeBron James na kauna-unahang atleta na mayroong sariling version ng Ken Doll.

Ito ay ipinakilala ng kumpanyang Mattel ang may-gawa ng Barbie dolls ang kanilang sariling version ng LeBron James.

Isinabay ang nasabing pagpapakilala sa isang kaganapan sa LeBron James Family Foundation.

Sinabi ni Mattel executive Krist Berger, na kanilang ipinagdiriwan ang pagiging role model ni LeBron kung saan bukod sa pagiging icon ay mayroong malakas na impact ito sa kultura.

Nagpasalamat naman ang Lakers star kung saan naalala niya noong ito ay bata na mayroong ilang mga manlalaro na kaniyang tinitingala at kinikilala.