Muling gumawa ng impresibong triple-double performance ang 39-anyos na si Lebron James sa naging panalo ng Los Angeles lakers kontra San Antonio Spurs, 119 – 102.
Sa loob ng 33 mins, nagpasok ng 16-points ang kasalukuyang pinakamatandang player ng NBA, umagaw ng sampung rebounds at gumawa ng 11 assists.
Tinulungan din siya ng kapwa bigman na si Anthony Davis na kumamada ng 19 points at 14 na rebound.
Sa naging pagkatalo ng San Antonio, nagpakita rin ng impresibong double-double ang sophomore na si Victor Wembanyama – 20 points, 10 rebs, habang 19 points naman ang kontribusyon ng beteranong forward na si Harrison Barnes.
Pinilit ng Lakers na dominahin ang kabuuan ng laban sa kabila ng magandang depensa na ipinakita ng San Antonio.
Nagawa ng Lakers na mapanatili ang lead sa apat na quarter. Sa pagtatapos ng laban, hawak ng Lakers ang 19-points lead, sa tulong na rin ng dominanteng performance ng koponan lalo na sa paint area (58 points).
Ito na ang ika-11 panalo ng LAL ngayong season, habang nananatili sa pito ang pagkatalong nalasap nito. Mayroon namang sampung panalo ang Spurs habang siyam na ang nalasap na pagkatalo.