Muling gumawa ng triple-double performance si NBA superstar Lebron James sa naging panalo ng Los Angeles Lakers kontra Philadelphia 76ers.
Ipinasok ni Lebron ang 21 points, umagaw ng 12 rebounds, at gumawa ng 13 assists sa loob ng 34 mins. na kaniyang paglalaro.
Pinangunahan naman ng bigman na si Anthony Davis ang opensa ng Lakers at nagpasok ng 31 points.
Sa naturang laban, pinaglaro na ang dating starter na si D’Angelo Russell bilang bench ngunit gumawa pa rin siya ng 18 points sa loob ng 25 mins. na paglalaro.
Dahil dito ay nabaon na sa pitong pagkatalo ang Sixers, habang nananatiling iisa ang naipanalong laban ng koponan.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin kasi naglalaro si Sixers star at 2-time MVP Joel Embiid at mistulang hindi rin kayang dalhin ng dalawang All-Star player na sina Paul George at Kyle Lowry ang koponan.
Sa naturang laban ay nalimitahan lamang sa siyam na puntos si George habang 5 points lamang ang nagawa ni Lowry.
Ginamit ng mga Lakers player ang tangkad ng mga ito upang pahirapan ang Sixers sa kabuuan ng laban. Umabot pa sa 13 blocks ang nagawa ng Lakers sa kabuuan ng laban.
Sa kabila ng pagkatalo, naipakita ng Sixers ang magandang focus at koordinasyon, at umabot lamang sa limang turnover ang nagawa ng mga player sa loob ng 48 mins. na laro.