-- Advertisements --

Ibinahagi ng NBA superstar LeBron James ang kaniyang bagong tattoo.

Sa social media account nito ay ipinakita nito ang Olympic rings na nakaukit sa kaniyang kanang siko.

Itinuturing kasi nito na bahagi na kaniyang buhay ang paglalaro noong 2024 Paris Olympics.

Hindi rin aniya nito matiyak na maaring ito na ang huling paglalaro niya sa Olympics dahil sa edad na rin.

Ang 39-anyos na Los Angeles Lakers star ay nagwagi ng kaniyang ikatlong gold medal sa katatapos na Paris Olympics.

Naging team captain pa ito ng Team USA at flag bearer sa opening games.

Pagdating ng 2028 Los Angeles Olympics kasi ay baka nasa edad 44 na ito kaya hindi niya matiyak kung makakapaglaro pa siya doon.