-- Advertisements --

May ilang pagbabago pa ang nais na makamtan ni LeBron James para maging matagumpay ang kampanya ng USA Basketball Team sa Paris Olympics.

Kasunod ito sa pagtambak nila sa Serbia 105-79 sa isang friendly games na ginanap sa Abu Dhabi nitong Huwebes.

Dagdag pa ng Los Angeles Lakers star na dapat ay maging maingat pa rin ang USA Basketball team dahil sa mallit na kalamangan panalo nila kontra sa Australia 98-92 nitong Miyerkules.

Tiwala naman si USA Basketball head coach Steve Kerr sa kaniyang manlalaro na sila pa rin ang mananaig sa Olympics.